[GA4] Paano magsukat ng mga conversion gamit ang Google Analytics

Nagpapatuloy ang artikulong ito mula sa Paano mag-ulat sa iyong form para sa pagbuo ng lead at ipinapakita nito kung paano gamitin ang Google Analytics para sukatin ang mga pagsusumite ng form para sa pagbuo ng lead bilang mga conversion.

Unawain ang mga conversion

Kapag may nagsasagawa ng pagkilos na kapaki-pakinabang sa iyong negosyo, puwede mong sukatin ang pagkilos bilang conversion. Sa sitwasyong ito, ang pagsagot ng mga customer sa form para sa pagbuo ng lead ay isang mahalaga at kapaki-pakinabang na pagkilos sa negosyo na puwede mong sukatin bilang conversion.

Sa pamamagitan ng pagsukat sa mga pagsusumite ng form bilang conversion, magagawa mong makita ang iba't ibang path ng mga user bago sagutan ang form, mag-unlock ng mga bagong sukatan (o data point) sa Google Analytics (halimbawa, ang rate ng conversion), at mag-advertise sa mga taong nagsagot ng form o hindi nagsagot ng form.

Sukatin ang mga pagsusumite ng form ng lead

Puwede mong sukatin ang anumang pagkilos bilang conversion hangga't may event ka para sa pagkilos. Halimbawa, para magsukat kapag may nagsumite ng form para sa pagbuo ng lead bilang conversion, kailangan mong gumawa ng event para sa kapag may nagsagot ng form.

Sa bandang simula ng seryeng ito, natutunan mo ang tungkol sa mga event na awtomatikong kinokolekta ng Google Analytics mula sa iyong website kapag nag-set up ka ng measurement code sa website mo.

Gayunpaman, bagama't awtomatikong sinusukat ng Google Analytics ang mga pagsusumite ng form sa pangkalahatan, kailangan mo ng event para sa kapag may nagsumite ng partikular na form na ginawa mo, kaysa sa sukatin ang lahat ng pagsusumite ng form bilang mga conversion. Pagkatapos, kailangan mong markahan ang bagong event na iyon bilang conversion.

Gawin ang event

Nagsusukat ang Google Analytics kapag may nagsumite ng anumang form gamit ang event na form_submit. Para gumawa ng event kapag may nagsumite ng partikular na form, pumunta sa Google Analytics at i-click ang Admin sa kaliwa.

Makikita mo ang Mga Event sa listahan ng mga opsyon sa ilalim ng Display ng data. Nagbibigay-daan din sa iyo ang page na Mga Event na gumawa at magbago ng mga event. (Tandaang puwede ka ring gumawa at magbago ng mga event sa pamamagitan ng measurement code o sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagbabago sa Google Tag Manager, pero para sa tutorial na ito, gagamitin natin ang page na Mga Event.)

Dahil gusto mo lang magsukat kapag may nagsumite ng bagong form, kailangan mong gumawa ng event na kumokopya sa event na form_submit at pagkatapos ay limitahan ang bagong event para magsukat lang kapag may nagsumite ng ganoong form.

Para gawin ang event:

  1. Sa page na Mga Event, i-click ang Gumawa ng event at pagkatapos ay Gumawa sa kanang bahagi sa itaas.
  2. Sa filed ng Pangalan ng custom na event, ilagay ang "lead_form_submit."
  3. Sa field na Mga kundisyon sa pagtutugma, ilagay ang kundisyong "event_name equals form_submit".
  4. I-click ang Magdagdag ng kundisyon.
  5. Ilagay ang kundisyong "form_name equals lead-form".
    Nagmumula ang value na ito sa attribute ng pangalan ng HTML ng <form> DOM element.
  6. I-click ang Gawin sa kanang bahagi sa itaas.

Lalabas ang bagong event sa listahan ng mga event sa page na Mga Event kapag sinimulan mong magkolekta ng data para sa event. Ipapadala lang ang event sa Google Analytics kapag nagsumite ng form na "lead-form" ang pangalan.

Markahan ang event bilang mga conversion

Kailangan mo na ngayong sukatin ang event bilang conversion. Ang kailangan mo lang gawin para magsukat ng event bilang conversion ay i-toggle sa naka-on ang opsyon sa conversion para sa event. Dahil bago ang event, walang data ang Google Analytics para sa event, kaya kailangan mong preemptive na markahan ang event bilang conversion.

Para preemptive na markahan ang event bilang conversion:

  1. Bumalik sa Admin at ngayon, i-click ang Mga Conversion sa ilalim ng Display ng data.
  2. Sa tab na Mga event ng conversion, i-click ang Bagong event ng conversion.
  3. Ilagay ang pangalan ng bagong event na "lead_form_submit".
  4. I-click ang I-save.

Alam na ngayon ng Google Analytics na ituring ang bagong event bilang conversion kapag natanggap nito ang event.

Tingnan ang event sa mga ulat

Available ang Realtime na ulat sa seksyong Mga Ulat, at ipinapakita nito sa iyo kung ano ang ginagawa ng mga user sa iyong website, habang nagba-browse sila sa website mo. Ipinapakita sa iyo ng card na Bilang ng event ayon sa Pangalan ng event sa ulat ang mga event na nakolekta ng Google Analytics sa nakalipas na 30 minuto mula sa iyong website.

Kapag may nagsumite ng form, makikita mo dapat ang event na lead_form_submit sa card na Bilang ng event ayon sa Pangalan ng event. Dapat mo ring makita ang event sa card na Mga Conversion ayon sa Pangalan ng event sa parehong ulat.

Kung hindi mo nakikita ang event, baka kailanganin mong maghintay pa para maproseso ng Google ang event, o suriin ang mga nagdaang hakbang para makatiyak na na-set up mo nang tama ang event.

Kapag naproseso na ng Analytics ang iyong mga event bilang mga conversion, puwede mong gamitin ang mga ulat at pag-explore para siyasatin pa ang iyong data ng conversion. Tatalakayin pa namin ang mga ulat sa mga darating na artikulo, pero puwede kang matuto pa tungkol sa mga ulat sa Ulat sa mga conversion.

 

Susunod: Paano mag-advertise sa mga user na hindi nag-convert

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10536293539171260240
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false